1. Watawat ng Pilipinas
Ito ay binubuo ng tatlong kulay,ang kulay pula, bughaw at puti.Naglalarawan ang bughaw ng kapayapaan. Ang kulay naman ng pula ay katapangan at malinis na kalooban naman sa puti.
i Binubuo rin ng tatlong bituin ang ating watawat. Ito ay sumasagisag sa tatlong
malalaking pulo ng ating bansa, ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Mayroon din itong araw. Ito ay mayroong walong silahis na kumakatawan sa walong lalawigang nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ang mga lalawigang ito ay ang Maynila, Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija.
2. Pambansang Awit
Ang ating pambansang awit ay ang "Lupang Hinirang". Ito ay nilikha ni Julian Felipe at nilapatan naman ng titik ni Jose Palma. Ito ay unang tinawag o pinamagatang "Marcha Nacional Filipina" at unang pinatugtog ng pasinayaan ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12,1898.
Lupang Hinirang Lyrics
Julian FelipeBayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang
Duyan ka nang magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa Dagat at bundok sa simoy
At sa langit mo'y bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag
May mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento