Sabado, Setyembre 24, 2011

PAMBANSANG SAGISAG 2

 3.Pambansang Wika
           Filipino ang ating pambansang wika. Pinili ang wikang Filipino upang maging wikang pambansa sa pangunguna ni Manuel L. Quezon, ang "Ama ng Wikang Pambansa". Ipinagdiriwang ang "Buwan ng Wika", tuwing Agosto.


4.Pambansang Bayani
            Si Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani. Siya ay isinilang noong Hunyo 19,1861. Siya ang sumulat ng dalawang nobela, ang "Noli Me Tangere at El Filibusterismo", ang dalawang nobelang nagpagising sa damdamin ng mga Pilipino.


            


5. Pambansang Tirahan
            Ang bahay kubo ang ating pambansang tirahan. Karaniwan itong gawa sa pawid, nipa at kawayan. Sinasagisag nito ang simpleng pamumuhay ng mga Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento