Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Pambansang Sagisag 3

6.Pambansang Bulaklak
         Ang ating pambansang bulaklak ay ang sampagita. Ito ay maliit, mabango at puti. Sinisimbolo nito ang kalinisan ng ating kalooban.
         
             
   
 7. Pambansang Dahon
           Ang anahaw ang ating pambansang dahon. Malalapad ang mga dahon nito at sumasagisag sa pagiging malikhain nating mga Pilipino.

             

  8. Pambansang Puno 
              Ang ating pambansang puno ay ang narra. Katatagan at matibay na kalooban ang sinisimbolo nito, mga katangiang taglay din ng mga Pilipino.

                    

     9. Pambasang Prutas 
                 Ang ating pambansang prutas ay ang mangga. Ito ay hugis puso at matamis kapag hinog. Sinasagisag nito ang matamis na pakikisama ng mga Pilipino.
               
       10. Pambansang Laro 
                   Ang sipa ay ang ating pambansang laro. Maliit na bola ang gamit sa larong ito. Sumasagisag ito sa liksi at bilis ng mga Pilipino sa anumang gawain.

              

         11. Pambansang Sayaw
                    Cariñosa ang ating pambansang sayaw. Ang mga mananayaw dito ay gumagamit ng panyo o pamaypay na animoy nakikipagtaguan. Sinasagisag nito ang pagiging mahinhin ng mga Pilipino.  

           



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento